Magtatagalog ako kasi ang hirap magexpress ng feelings sa English.
WARNING: May isang hindi kanais-nais na laman ang entry na ito. Wag na ituloy ang pagbabasa (ng unang paragraph) kung ikaw yung taong mababaw at malakas ang pagka-WarFreak. Salamat.
Nung Tuesday, nag guidance activity kami (yay, walang Filipino! lol). Tapos gumawa kami nung parang thingy tungkol sa course na kukunin namin sa college. Tatlong course yung pwede namin ilagay dun sa paper, kaya nilagay ko dun HRM, Interior Design (course ba yan?) at Structural Engineering. Nilagay ko rin dun Medicine kaso binura ko na. Hahaha. Basta ako, gusto ko maging hotel/restaurant manager! Or magaaral ako ng culinary arts. Hindi ako magnunursing tulad ng iba. Natawa nga ako, kasi karamihan sa mga kaklase ko eh pinipilit din ng mga nanay nila na magnursing, pero lahat kami ayaw! Kasi nga naman, malaking pera nga pero kung hindi mo naman gusto yung course o trabaho na yun eh wala ring mangyayari sayo unless gutom ka sa pera (No offense sa mga nagnunursing diyan. Hindi yan para sa lahat, at hindi lang ito para sa Nursing [defensive ata ako]. Haha). So ayun, natawa nga ako. Masaya pala mangarap. Nakikita ko ang sarili ko na naka business outfit, nasa isang meeting kasama ang mga importanteng tao, tapos pinapalakpakan sa huli. Haay. Kung hindi man yan, eh nakikita ko rin ang sarili ko sa nagdodrawing ng mga bahay at kwarto, nagdedesign, nagdedecorate. Hahaha!
Naaalala ko nung maliit na bubwit pa lamang ako eh pangarap ko maging teacher. Tapos naglalaro pa ako dati ng teacher-teacher, yung may mga libro ako at chalk at blackboard. Tapos mga estudyante ko sina Fishy, Ginger, Panda, Beary at Tropi (mga stuffed toys ko). Tapos nung tinamad na ako sa pagiging teacher, ay naging pintor naman ako. Siguro dito na humusay yung kamay ko. Kaya ngayon ay nangangarap pa rin akong maging pintor o kahit isang animator sa Japan. Huwahaha! Lakas nun. XD.
"How do you see yourself in ten years?" Hmmm. Nakikita ko ang aking sarili bilang isang mahusay at magaling na restaurant/hotel manager or may ari ng isang 5-star hotel or isang (pwede rin dalawa!) maganda ang classy restaurant (si Emo raw yung chef dun). Tapos nakatira ako sa isang maganda at malaking bahay, kasama ang aking pamilya at pamilya(to-be). Tapos magsisideline ako bilang isang pintor! Ayos yun! Idol na idol ko yung mga Pilipinong pintor na nakita ko sa Ayala Museum. Sobrang namangha ako sa mga gawa nila, para bang natulala, tapos naglalaway.
Ito naman ang pangarap ko na siguro ay hanggang pangarap lamang, pero malay ko. Wahaha. Gusto ko maging animator. Yung gumagawa ng Japanese anime! Magtatrabaho ako sa Japan. I shall follow the footsteps of Masashi Kishimoto and Nobuhiro Watsuki. Magtatrabaho ako sa Shonen Jump! LOL. Haaaaaay *namatay sa kakapanaginip* Naalala ko si Uzumaki Naruto, yung bida sa Naruto. Sobrang lakas niya mangarap, minsan nga eh wala na sa pwesto. Pero kahit ganun, nagtiyaga siya kaya niya nakamit yung mga ninanais niya (amf ang lalim).
Isa pa sa mga pangarap ko na siguro ay hanggang pangarap lamang, pero malay ko ay yung maging guitarist sa isang band. HAHAHAHA, asa pa ako. :))
Haaay. Libre lang naman daw mangarap kaya sige.
Comment kayo, kung ano gusto niyo maging pag laki niyo ;)
Masashi Kishimoto, creator of Naruto <3
Di kami pasok ni Emo sa finals ng Search for the Real/True Augustinian Chef (tingnan mo, di ko man lang alam yung name nung contest. Hahaha). Ok lang, para wala nang hassle. Nalungkot lang kami. Sabog naman kasi yung ginawa namin. LOL. Ngayon ko lang naging hate ang chocolate (oo, totoo!). I swear. Hindi na ako magluluto ng dessert kahit kailan. Puro luto na lang ng totoong food, wala nang DESSERT :))
[/EDIT]

6:46 PM




