Ngiyahaha. Top 1 ako sa klase, pero di dahil top 1 ako eh nangangahulugan na matalino ako. Hinde, pagka't ang average ko ay 88.{something} lang. Bukas ko pa malalaman kung may blue eagle nga ako or disqualified sa eagle. Ok na ako sa ganito. Ayaw ko na bumalik sa pilot (sorry, Danielle, alam kong gustong gusto mo akong pabalikin sa pilot) kasi sa regular klas, eh nakaka top 5 ako, samantalang sa pilot eh top 38 lng ako (langya!) O_O
Highlights of the day
- Naipit ang daliri ni Bits sa pintuan. Nung club time, habang binibigay ko kay 3rd year guy yung attendance at activity thingy ng club para sa araw na ito, nung isasara na yung pintuan... *CRUNCH* (solid na solid yung tunog, tapos si Bits aw ng aw) xD
- CR incident. Bago matapos ang science class, nag CR ako. Eh ganito kasi yun. Yung CR namin, sa 3rd floor, eh may multo (na totoo, dahil maraming beses ko na siya naramdaman, at siya nagparamdam). Tapos magisa lang ako sa CR kanina kasi class hours pa yun, so siyempre, medyo natatakot ako, eh ihing-ihi na, so sorry na lang. Kaya ayun. Sa kalagitnaan ng pagc-cr ko, eh biglang nagring yung bell (langya na naman!) kaya nagulat ako't nagmadali dahil natakot ako bigla. Pag labas ko ng cubicle, may isang babae na pumasok kaya ako'y nagulat at siya'y napatawa (or napangiti, or nawirdohan). Huwahaha. Loka loka talaga ako.
- Cheering practice. Well, inexcuse ako kasi tutulong ako sa paggawa ng bulletin board sa klasroom. Masaya. NakakaBALIW. :)) Kung anu-anu pinaggagagawa namin: nag-isip ng mga wirdong quote tungkol sa peace at integrity (see entry title), nagtawanan, naglokohan, at higit sa lahat, pinawisan (ako, siguro, kasi sayaw ako ng sayaw ng wirdong star wars moves kasi diba dapat star wars yung magiging theme ng Sophies. Buti nga't pinalitan. Go Broadway! Ang natatanging theme na iba sa theme ng ibang 3 batches). Ngiyahahahaha. Tapos nun, pinanood ko yung batch nung last practice nila. Super ganda! Kung sana lang kumpleto na at mas maayos at mas malakas, super ganda! Sa totoo lang! Wahaha! Cute din nung bagong end ng Cheers and Yells. ;>
- Club. Well, hindi ito highlight of the day, pero naaliw lang ako, kasi simula ngayon, ako ay magboblog tuwing club time. Oo, blog! Isusulat ko sa isang notebook lahat ng ginawa at nangyari sa club time para sa araw na yun. Masaya! Sobra! Nalito lang ako kanina kasi pina-backtrack ako ni Sir Nacion. Buti na lang nandun si Bits, Camille at si Pam. LOL. Mahina ako sa memory eh.
Ahmm... Ano pa ba? Minove na nga pala yung sa Sept. 21. Haaaaay. Dagdag practice na naman -_- Pero oks lang, para di kami nagmukhang minadali. Kasi daw, wala pa yung batch shirts namin. Hahaha. Go Sophies!