Ok foine. Nyahaha! Kasi naman, super tinatamad ako magpost! Wala naman akong maipost kasi walang exciting na nangyayari sa akin these days.
Pero anyway, sige, para lang mabuhayan ng dugo ang blog ko.
Monday, Sept 4
Akala ko isa itong masaya na araw dahil maganda ang aking umaga, pero pag dating ng hapon, badtrip na badtrip ako. Nakalimutan ko na nga lang kung bakit.
Tapos pagod na pagod pa dahil sa cheering practice.
Tuesday, Sept 5
BADTRIP talaga ang araw na ito. Una sa lahat, masama ang naging lunes ko. Tapos cheering practice na naman. Eh ang nangyari kasi, hindi ako dapat magpapractice kasi wala akong transpo pauwi. Pero inalok ako ni Ronnie, na pwede naman daw ako sumabay sa bus nila since malapit lng bahay namin. Eh ngayon, pagkatapos nung practice, hindi daw pala ako pwede sumabay sa bus nila kasi "puno" na daw sila *ugh, whatever. lahat naman ng bus "puno" eh* so siyempre nagpanic na ako kasi butas na ang wallet ko't wala akong pera pang commute. Kaya ayun, paikot-ikot kami ni Ronnie sa campus, naghahanap ng pwede kong masabayan pauwi. Nagtext ako kay Gerard at kay Ana O (kasi same village lang naman kami) pero nakita ko si Danielle at sa kanya na lang ako nakisabay. *whew* Ang tagal ko naghintay dun sa school. Konti na lng yung tao, puro mga cheerleaders, lifters, flyers at yung mga bands na lang yung naroon. Kaya super late na rin ako nakauwi. Pag uwi ko, super pagod, antok, tapos busog pa ako. Haaaaay, buhay.
Wednesday, Sept 6
Happy Birthday, Danielle S! Haha. Cheering practice na naman. Super pagod ulit ako pagkauwi.
Ngayon, Sept 7
Ngayon dapat ang giving of report cards, kaso minove nila. Ngayon din ang "deal" ng 2F na sa tingin ko ay walang nangyari. Meron, pero...
Tapos cheering practice... ngayon na siguro ang pinakaboring na practice. Wala ako sa mood, talaga. Hay. Balita ko minove rin ang date ng cheering competition. LoL.
Ang ganda ng batch entrance song thingy namin! Sabi ni Marc original composition lang daw yun nung band. Krrr! Kung ganun nga, ang galeng naman! Nyahahaha!!! xD Basta. Galeng!
Oh yan na Bits! New Post ko! Hahahaha!!! Ang daya daya mo kasi, bakit wala pa blog mo? :[
P.S.
Sorry ang labo ng entry na ito. Nagmamadali kasi. :))

9:33 PM




