<body>
mabuhay ang shrimp na may garlic-butter sauce!
Thursday, May 11, 2006 8:40 PM

feel ko mag-tagalog ngayon! so mga englisero diyan senxa na po.
(translation: feel I Tagalog today! so the English there sorry already.) x)

kakauwi lang ng mom ko kahapon (galing Masbate... Masbate nga ba?) tapos naguwi siya ng (siyempre) pasalubong... kaso puro pagkain T-T. Crab, Shrimp... hay! seafoods fiesta. LOL. kaso di ako mahilig sa Crab. kumakain lang ako ng Crab kapag yun lang ang ulam. wakoko. so kinain ko na lang yung shrimp na may tunaw na butter at bawang bilang sawsawan. hay! SARAP mga dudes! grabe! ewan ko lang kung paano niluto yung shrimp (fried ata)... basta simpleng shrimp lang. tapos yung garlic-butter sauce. shiyet! halos naubos ko yung isang plato ng shrimp! tumigil na lang ako (at nainis at nawalan ng gana) nung humingi ako ng dagdag ng garlic-butter sauce at nalamang, ubos na yung butter. kakainis. kung kelan nagpipiyesta na ako. dun pa naubusan ng butter. hay. pero nakabawi na naman ngayong gabi, nang ganun pa rin ang ulam namin (ui, bagong luto naman noh) at marami ng garlic-butter sauce! hay! piyesta ulit! haha!

(translation: blah blah garlic-butter sauce blah blah crab blah blah shit! blah blah butter blah blah fiesta.)


ang buhay ko bilang isang estudyante ni coach Jep (coach Jeff?)
gumising na naman ako nang maaga kaninang umaga para sa aking T-TH-S badminton classes kasama si Kim. hay. pero sabay kami nakarating dun. hinintay ko kasi siya. haha! ok lang yung class ngayon. panalo na naman kami ni Kim sa isang game. (well... :P) hay! sa madaling salita: masaya. haha! ngayon, frustrated smasher na ako. hay! ewan ko ba, puro pataas yung mga ismash ko. kung pababa man, tsamba lang. pero tinulungan ako ni Kim. sabi niya isipin ko na lang daw na yung bola ay si ******** haha! baliw na babae. haha! kaya ayun! nagawa ko ng tama kahit papaano. haha! tapos isa pang exciting na natutunan ko: kung paano itira ang bola sa kantong walang player. haha!!! masaya ito! medyo naayos yung focus ko sa bola, sa court, at sa kalaban; kung saan wala si coach, dun ako titira. wakokoko! x) siguro ito na ang pinaka-offensive move na alam ko sapagkat puro pataas nga ang mga smash ko. (hay ang ganda ng tunog. tunog expert. LOL) hay. idol ko si kim! kaya niyang mag-ismash na may POSE! haha! yung pose ni kakay. yung FLAMINGO-POSE-BEFORE-SMASH-AND-OR-SERVICE. hahaha! hay! pag ako gumawa nun eh wala na. sabog na. haha! isa pa ang aking natutunan: ok rin pala i-ismash yung bola sa ulo ni coach. wakokoko.
(translation: badminton.)
credit: idol ko talaga si BOB ONG! siya ang aking inspirasyon sa pagsusulat ng entry na ito. MABUHAY BOB ONG!!!